Ulit

Akala ko nawalay na ‘yung pagkakagusto ko sa iyo.

‘Yun pala hindi. Nabanggit lang na may niyayaya kang kapwang kaibigan sa isang pagdiriwang tapos biglang bumalik lahat ang damdamin ko sa iyo na akala ko’y tuluyang nabaon na sa lilim.

Kainis.

Iyong mga huling buwan na tinatakasan ko yung damdamin ko sa iyo nauwi rin sa wala. Hindi ko nga alam kung nahahalata ba ako, maliban doon sa may alam talaga. Tapos dumating ‘yung kinalabasan ng JTA. Natanggap ka. Nagselos, hindi nainggit, nagselos ako sa iyo, at nagseselos pa rin. Ngayon, binukod ka, pinakukuha ng dagdag na asignatura para ‘di gahol sa pagbalik.
Nag-aalala ka pa noon, ika mo nga, hindi masyadong makulay ang buhay mo sa mataas na paaralan at ang madadala mo para sa kolehiyo ay tanging matataas na marka lamang. Nag-alala ka kung anong salita ng ibinigay mong application form laban sa iba.
Ang lumabas ay higit sa sapat na pala iyon para matanggap. Tignan mo nangyari, mapapadala ka sa isang sikat na pamantasan at bibigyan ka pa ng baong pera mula sa opisina. Ang saya.

Nakuha mo lahat.

Alala ko noong inaminan kita. Huling kuwento e tinawagan mo yung isang kaibigan natin noong gabing ‘yun tapos banggit mo na nabigla ka, anong ibig sabihin ng sinabi ko, kung pag-aalahanan mo ba ‘yun, ang yaya na lumakad upang makilala pa kita lalo. Hindi ko nga alam kung paano mo tinanggap yun. Inasahan ko na magaan iyo. Mukhang hindi pala.

Sa bagay, hindi rin kita mahagilap.

Iilang buwan tapos aalis ka, babalik sa loob ng lima o anim na buwan. Sa pagbalik mo, siguradong maraming karanasan ang nadaanan mo roon, at inaasahan ko na magiging mas bihasa ka sa wika na pinag-aaralan nating magkakasama. Kaunti na lang at isasama ko ang balak kong panliligaw sa iyo.

Tangina ano sinusulat mo rito.

Pero bago unahan ang sarili, kailangang tignan na muna kung bakit nagkakagusto ako sa iyo. Paraan na rin siguro para malaman ko kung gusto ba talaga kita o *hinga* tawag ng laman ito (hindi ko alam kung ano ang angkop pero mainam na hindi sana ito dahil sa tawag ng laman; nakakahiya naman).
Nakuha mo ako sa itsura, siguro sa ugali rin. Lalong tumindig ang pagkakagusto ko sa iyo dahil ang galing mo pa gumawa ng mga proyekto, papel, at takdang-aralin, napapalabas mo na sisiw lang yung nakukuha mong matataas na marka rito. Habang narito ako’t nagkakandarapa sa mga marka, nag-aalala araw-araw kung kaya pa bang tumagal para sa isa pang markahan sa pamantasang ito.
Sa kabilang dako, tinitignan ko rin kung nagustohan kita dahil sa iyong galing, o dahil nagseselos ako sa mga biyayang naibahagi sa iyo.

minsan, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang tadhana.

Binanggit mo rin sa akin ang balak mo sa buhay. Na ang tingin mo sa amin ay mga nakatatandang kapatid, na sa Europa mong balak ituloy ang pag-aaral mo sa iyong pagtatapos rito, at magtrabaho na muna. Kita mo, ngayon pa lang alam mo na kung ano ang gusto mo sa buhay at kung ano rin nais mong isulat na thesis.
Kuha ko rin na wala ka munang balak magkaroon ng kasintahan. Pag-aaral na muna, at susunod na lamang iyon.
Ito na lang ang mga dahilan na ginagamit ko para hindi kita habulin, hindi magsisi, at para mabaon na wakas ang nararamdaman ko sa iyo.

O dahil kaya takot lang ako magmahal at magkaroon ng kasintahan, kaya’t itinatanggi ko na lang na totoo ang nararamdaman ko sa iyo.

Ganti siguro ng karma doon sa tinanggihan kong nang-amin dati.
Bastos talaga buhay kung minsan.

Para kay suntok sa buwan

Gusto ko sanang gamitin ang salitang “mahal”, at “mahal kita”, kaso huwag nating unahan ang sarili. Hindi pa nga kita masyadong kilala tapos ganiyan kaagad. Ito ang isa sa mga pagkakamali na iwasan natin.

Advertisements

Carefully twist your words.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s