Gusto kita

Gusto talaga kita. Umaabot na sa punto na gusto ko nang umamin sa iyo, kaso hindi. Hindi maari at hindi puwede. Hindi tayo ganito kalapit, at ayon sa sinabi mo dati, wala kang balak magkaroon ng kasintahan sa nalalapit na panahon. Mahirap tuparin ang iyong hiling, ngunit kailangang galangin.

Sa kabilang dako naman, may nagsasabi na nagugustohan mo lang siya dahil inggit ka.

Inggit ka lang sa kaniyang kalagayan ngayon, at inggit ka sa magiging karanasan niya sa parating na buwan.

At aaminin ko, naiingit nga ako. Naiingit ako sa pinagdadaraanan niya ngayon. Naiingit ako sa kaniyang marka. Naiingit ako sa kaniyang pagpupursige sa pag-aaral. Biruin mo mas bata ka pa sa akin. Kaya narito ang problema: talagang nagugustohan mo ba siya, o nagugustohan mo siya dahil naiingit ka lang? Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw at pinipigilan kong umamin sa iyo.

Tapos ito naman, nagpapadala ka ng mensahe, humihingi ng payo at nagtatanong kung paano gawin ang ano. Kada padala mo lalo akong nalalaglag para sa iyo, at kada sagot kong pinapadala, lalong natutukso umamin sa iyo. Alam mo ‘yung kada tanong mo, naiisip ko lagi na sobrang pinagpapalaran ka. Napasaiyo ang marka, gawain, at pagkakataon, at narito ako, nanonood sa tabi at kung minsan pinagtatanungan.

Ayan, paulit-ulit na sinasabi ko.

Pero ito lang talaga, isa sa mga pinakamabigat na dahilan kung bakit pinipigilan kong umamin sa iyo at kahit kanino: kailangan ko munang ayusin buhay ko.
Nakakaputangina lang talaga.

Advertisements

Carefully twist your words.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s