Category Archives: Uncategorized

May gusto ako sa iyo/mahal kita.
Pero hindi ko maaring sabihin iyon.
Una, baka dala ito ng (literal na) sakit na nararamdaman ko ngayon. Pangalawa, kailangan kong manatiling tapat sa pangarap na aking hinahangad.

Tama ba na piliin ko ang katahimikan?

Liham

A letter to some people in my life, in the style of Jeanann Verlee’s “40 Love Letters”. This is a highly passive-aggressive post targeted to certain people in my life. However, if the shoe fits, you’re welcome to keep it.
This letter has been written in the author’s native language, Filipino, because it gives gravity to the writing and accurately represents the author’s tone and feelings in this/these letter/s.

May mga tao na gusto kong pasalamatan at may mga tao akong usto kong murahin lang talaga. Ilalantad ng liham na ito ang nasa kalooban ng may-akda. Sinulat ito sa Filipino dahil sa kaniyang pakiramdam, ito’y diretso sa puso at ramdam ang bigat at tindig ng kaniyang nais sabihin.

Sa aking magulang,
salamat. Ngunit siguro mainam na di na lang ako nabuhay. Wala na kayong sakit sa ulo.

Sa aking mga kapatid,
hindi talaga tayo magkakasundo ng matagalan. Ayoko na. At ikaw naman, bakit mo tinatanong kung bakit ayaw kong sabihin sa iyo ang aking password?

Sa aking bahay,
kaunti na lang.

Sa aking kapit-bahay,
halos pamilya na ang aming turing sa inyo. Dahil doon, may mga bagay na tungol sa aking buhay na nais kong mapanatiling lihim sa inyo at sa aking pamilya.

Sa aking magiging asawa,
sana…
Hanggang sana lang talaga siguro.

Sa mga aking taga-hanga (kung mayroon man),
salamat pero huwag ako. May ibang tao na mas magaling at mas nararapat pa kaysa sa akin.

Sa aking nabangga sa kalsada,
paumanhin. Hindi ko talagang nais mangyari iyon.

Sa mga taong nakakakilala sa akin at sa mga nakakaalala ng aking pangalan ngunit hindi ko maalala ang inyong pangalan,
aking paumanhin. Mahina talaga ako pagdating sa pangalan at matagal-tagal bago ko matandaan ang sa inyo.

Sa mga naging kamag-aral ko sa mababang paaralan,
wala.
`Di ko na kayong masyadong maalala.

Sa mga iba kong nakasama sa Batch 2012,
tangina niyo. Iyon lang. Kalimutan niyo na ako. Hindi niyo ako maalala, hindi ko rin kayo maalala, hindi rin tayo magkikita, hindi niyo rin ako makikita.

Sa mga naging kaibigan ko sa Batch 2012,
hindi ka kasama sa naunang sulat. Saklaw kayo rito.
Salamat sa iyong pakikisama. Nasiyahan ako. Ngunit napapalayo na tayo. Gusto kong magkita muli tayo upang kumain at mag-usap. Hinahanap ko kayo.

Sa mga kasama ko ngayon sa aking kasalukuyang pamantasang pinag-aaralan ngayon,
salamat. Hindi ko alam kung tama ang aking pinili, lalung-lalo na hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin at atin pagkatapos ng ating apat na taong pag-aaral. Pero sa ngayon, ang sarap ng pakiramdam sa inyong piling ngayon.

Sa mga nakasama ko sa unang alis papunta “doon”,
sayang at hindi ko kayo masyadong nakilala. Mas gusto kong kasama kayo kaysa sa aking mga kamag-aral na nakasama rin natin. Pero buti nama’t ang iba ay nag uusap-usap pa rin sa isa’t isa.

Sa mga nakasama ko sa pangalawang alis papunta “doon”,
kalimutan niyo na ako katulad ng aking nais na pagkalimot sa inyo. Ni di niyo nga kinausap ang mga iba nating nakasama at nagkaroon pa kayo ng sariling pagtitipon-tipon na parang may sariling mundo. Nais niyong magsama muli pero tignan niyo, di nagkatotoo. Nanlamig kaagad ang inyong pakikisama. Hanggang Facebook lang kayo at wala nang iba. Pakialam ko na nagkatuluyan kayo.

Sa mga nantaksil sa akin,
sana hindi kayo makatulog ngayon at sa mga susunod na gabi.

Sa mga nanggagago sa akin,
bahala kayo.

Sa aking mga kaaway,
kinalimutan ko kayo; hindi ko kinalimutan ang ginawa niyo sa akin.

Sa iyo, aking nakaaway “doon”,
tangina mo rin. Sana mamatay ka at ang buong angkan mo. Hindi mo lang ako binastos, binastos na binastos mo ako. Tanginang kahihiyan ang ginawa mo sa akin. Ang lakas pa ng loob mong sabihin sa iba na guhsto mo akong ipapatay. Kung kinuyog kaya kita doon at doon rin, ano gagawin mo? Pasalamat ka na hinayaan lang kita. Pinagsisihan ko iyon. Dapat sinugod kita doon rin. Pero hindi, mas matanda ako sa iyo.
Isa pa, kinawawa mo ang “nagmahal” sa iyo, kung pagmamahal ba talaga iyon. Nagsigamitan kayo, malay ko kung bakit, pero wala. Sinayang mo. Nilaruan at pinaasa mo ang siya. Manang-mana ang ugali mula sa magulang.

Sa akin,
Ano ang ginagawa mo sa buhay mo? Ano ba saysay mo rito? Laking hinayang ko sa iyo sa mataas na paaralan, hindi mo natupad ang iyong pinangako sa sarili. Kung minsan, pinagsisisihan ko rin ang hindi paglipat ng paaralan, kung minsan rin, pinapasalamatan ko rin. Hindi talaga mapakali. Tignan mo ito, ngayon mo lang ginagawa ang mga iba mong takdang-aralin. Tapos sabi mo sa sarili gustong-gusto mo nang tapusin, pero di naman ginagawa. Nawawala sa landas, naliligaw ang utak. Puyat ka pa. Ano ba talaga? Nawawalan ako ng pag-asa sa iyo.

Mula sa sugating puso,
Ang may-akda.